How to Buy vBucks Philippines using Paymaya

Fortnite PH community forum. Discuss anything about Fortnite Battle Royale here, find friends, squads. Also share tips and strategies.
Post Reply
User avatar
CyberPunk
PGO Enthusiast
Posts: 132
Joined: Thu Jan 02, 2014 4:20 pm

How to Buy vBucks Philippines using Paymaya

Post by CyberPunk » Sun Jan 28, 2018 2:34 am

Ituturo ko ngayon kung paano bumili ng V-Bucks (Fortnite Battle Royale virtual currency) gamit ang Paymaya. This is a Tagalog tutorial on how to top up or load your epic games account with vbucks using Paymaya.

Wag kayo basta basta maniwala sa mga nagbebenta ng vbucks sa facebook, yung hihingin account nyo para sila maglagay ng vbucks. sobrang risky nun mas maigi kayo nalang mismo maglagay ng vbucks sa account nyo gamit Paymaya. Hindi lang sa mas secure ang Paymaya, 1 is to 1 pa ito. Ibig sabihin kung magkanong vbucks ang bibilhin mo ganun din mismo ang gagastusin mo.

- Kung wala ka pang Paymaya download mo lang ito sa Google Playstore or sa Apple appstore.

Paano gumawa ng Paymaya account:

1. Download from App Store or Google Play. Just search Paymaya.
2. Register with your name, email and mobile number
3. Create a password
4. You will receive a verification via text/SMS
5. Enter verification number
7. Click VIEW CARD button
8. Input your address and birthday
9. You will receive a confirmation that your account has been activated.

- Pag may paymaya kana. Punta ka sa 7-Eleven sa lugar nyo para loadan ito. Sabihin mo lang sa cashier na magloload ka ng Paymaya at ituturo nila sayo ang gagawin.

- Eto ang mga rates ng vbucks converted to Philippine Peso:

1,000 vbucks: 9.99 USD/500 PHP
2,500 + 300 bonus vbucks: 24.99 USD/1,250 PHP
6,000 + 1,500 bonus vbucks: 59.99 USD/3,000 PHP
10,000 + 3,500 vbucks bonus: 99.99 USD/5,000 PHP

*Note na approximate amount lang mga yan. Para malaman kung magkano ang exact conversion ng USD to PHP. Type nyo sa google for example: "9.99 USD to PHP" yan mismo isesearch nyo sa google at lalabas ang katumbas ng 9.99 US Dollars sa Philippine Peso. Yan ang gagawin nyo para malaman nyo kung magkano ang exact amount na iloload nyo sa Paymaya nyo.

- Pagkatapos mong maloadan ang iyong Paymaya. Punta kana sa Store ng Fortnite. Piliin kung magkanong vbucks ang bibilhin mo. Click Purchase. Click Credit Card. Fill upan yung mga forms siguraduhing tama ang mga ilalagay na info. Click save. Tapos click PLACE ORDER.

- Kung may lumalabas na error check nyo yung mga nilalagay nyo na info kung tama. Pag ayaw padin magdagdag kayo ng 20 pesos na load sa Paymaya nyo kasi baka hindi eksakto yung conversion ng USD to PHP.

Pag may katanungan kayo tungkol sa paymaya post lang kayo ng reply sa baba.
1.jpg
1.jpg (695.41 KiB) Viewed 446 times

SHARE THIS!

How to Buy vBucks Philippines using Paymaya

Sponsor

Sponsor

PinoyGaming.Org
The largest Filipino Gaming Community
 

Post Reply