How to Rank up Fast in ML PH (Mythic in 1 Month)

Mobile Legends PH Community Forum, discuss tips, techniques, strategies, and game updates here.
Post Reply
User avatar
GameMaster
LVL1 Moderator
Posts: 196
Joined: Mon Apr 21, 2014 9:59 am
Gender: Male

How to Rank up Fast in ML PH (Mythic in 1 Month)

Post by GameMaster » Thu Aug 01, 2019 11:41 pm

Ishishare ko dito kung pano ako nakarating sa mythic sa loob lang ng isang buwan ng paglalaro ng Mobile Legends. Bago ang lahat hindi ko sinasabi na ako ang pinakamalakas na player sa buong mundo ah, newbie pa nga lang ako eh at madami pa akong dapat matutunan sa laro. SKL dito yung strategy na ginawa ko para makarating ng mythic rank. Nasa sainyo na yun kung gagayahin nyo yung ginawa ko. IGN ko nga pala sa ML: GodlikeGamers.Net
1234.jpg
12345.jpg
Sa mga magtatanong, unang account ko ito sa ML pero may experience ako sa DOTA 2 kaya alam ko kung pano laruin ang mga MOBA games. At kung tatanungin nyo naman kung solo o party, solo queue lang ako lagi.

Actually isang strategy lang ginamit ko para mag rank up ng ganun kabilis, at iyon ay paggamit lang ng tank heroes. Mula Warrior hanggang Mythic, puro tank lang ang role ko. Alam ko madaming may ayaw sa tank role, ako kasi naeenjoy ko maglaro ng tanks kasi anghirap nilang patayin tapos pag nakakapatay ka kahit tank ka kapa angsarap sa feeling.

Ano ang mga hero na ginamit ko
123456.jpg
Ang hero na ginamit ko mula warrior hanggang epic ay si Esmeralda, sobrang OP kasi ni esme sa low ranks lalo kung pag aaralan mo talaga siya ng mabuti. Nadiskubre ko na napakalakas ni esmeralda kasi nung classic match palang nilalaro ko, pag nasa kalaban si esme andami nya laging kills at madalas talo pag kalaban ko siya. Kaya yun nagdecide ako na bilhin siya at pinag aralan ko talaga kung pano siya gamitin. Yun nga lang pagdating ko ng epic rank lago na siyang binaban kaya hanap ako ng ibang hero na gagamitin.

At dahil hindi ko na magamit si esme sa epic rank, nag try ako ng ibang tank heroes. Sinubukan ko lahat ng tank heroes sa ML pero yung mga pinakanagustuhan ko ay sina Uranus, Khufra, at Minotaur. So yun inaral ko din talaga kung paano sila laruin, si Uranus talaga ang pinakamadalas kong gamitin, sunod si Khufra tapos si Minotaur.

Napakaganda kasi gamitin ni Uranus, para sakin siya ang pinakamahirap patayin na tank hero sa ML. Tapos malakas pa damage ng second skill nya kaya tinatawag ko siyang KILLER TANK. Si khufra naman maganda pang team fight kasi andami nyang cc o crowd control skills tapos angkunat nya din dahil sa kanyang second skill. Si Minotaur din isa sa mga pinakamagandang setter sa game dahil sa kanyang 3rd skill na kayang i knock up lahat ng kalaban malalapit sa kanya, kaya sobrang effective nya sa mga clash.
1234567.jpg
12345678.jpg
Kung gusto nyo nga pala gawa ako ng thread para iexplain ng maayos ang mga hero na ito at kung paano ko sila gamitin comment lang kayo.

Iba pang tips para makapagpataas ng rank

Mag adjust sa drafting phase - Pag nasa epic rank kana dapat marunong kang mag adjust ng role, kunwari may marksman na wag kana pumili ng marksman. Mumurahin ka lang panigurado ng mga teammates mo nyan. Ang maganda pag tank ang role mo hindi na kailangang mag adjust lagi kasi bibihira ang nagpipick agad ng tank hero kay solo mo ang tank role. Hindi mo na kailangang makipag agawan di gaya sa marksman na kung maaari eh marksman lahat ng players.

Iwasan mangtrashtalk ng kakampi - Pag may kakampi kang namamatay lagi sa umpisa wag mong murahin ng murahin, mas lalong papangit laro nyan. Siguro natry din natin na matrashtalk tuwing namamatay tayo at masakit ito sa pakiramdam. Malay mo makabawi pa yan at lumakas sa late game. Isa pang pangit na nagagawa pag chat ka ng chat, nawawala focus mo sa laro. Kaya chill lang, laro lang yan lol.

Pag aralan lahat ng role - Kung ayaw mo naman mag tank habang buhay, napaka importante na may kabisado kang hero kada role. Para kung napick na yung role mo eh kaya mong mag adjust. Maganda din kung dalawa o tatlong hero ang kabisaduhin mo kada role. Para kung napick yung hero mo may back up ka.

Wag magpraktis sa rank - Utang na loob wag ka gumamit ng hero na hindi mo pa sanay sa rank. napakadaming oras para magpraktis sa ai at classic mode.

Wag maglaro kung lag ka - Wag kanang mandamay ng iba kung naglalag ka din lang. hindi lang ikaw ang mababwasan ng star pati ibang tao. Malaki din nababawas sa credit score mo kung lagi kang nadidisconnect, at kung hindi mo pa alam pag mababa na yung credit score mo hindi ka makakapaglaro ng rank pansamantala.

Iyon lang ang maipapayo ko sa mga nahihirapang umangat ng rank, kung ikaw naman ay malakas na at may tips ka post mo sa baba para mabasa din ng iba. Share share tayo ng strategies dito mga kapatid :D Inuulit ko hindi ako malakas, baguhan lang din ako sa ML. Kung may sinabi din ako dito na mali pakisabi nadin sakin para alam ko :)

May english version nga pala to at mas kumpleto sa details, check nyo kung gusto nyo: https://godlikegamers.net/how-i-reached ... n-1-month/ ako din writer nyan.

Sa mga mangongopya ng thread ko na ito lalo na yung isang gaming forum jan na laging nangongopya ng contents namin dito sa PGO, kilala nyo na kung sino kayo. i-edit nyo nadin yung mga photos palitan nyo ng IGN nyo :)
Last edited by GameMaster on Thu Aug 01, 2019 11:53 pm, edited 1 time in total.

Share this Post

How to Rank up Fast in ML PH (Mythic in 1 Month)

Sponsor

Sponsor

PinoyGaming.Org
The largest Filipino Gaming Community
 

chad
PGO Junior
Posts: 43
Joined: Wed Jun 11, 2014 5:55 pm
Gender: Male
location: mnla

Re: How to Rank up Fast in ML PH (Mythic in 1 Month)

Post by chad » Thu Aug 01, 2019 11:46 pm

parang nakalaban na kita minsan godlikegamers.net aa :D kufra ata gamit mo nun e..talo ata kami nun hahaha,

User avatar
CyberPunk
PGO Enthusiast
Posts: 144
Joined: Thu Jan 02, 2014 4:20 pm

Re: How to Rank up Fast in ML PH (Mythic in 1 Month)

Post by CyberPunk » Fri Aug 02, 2019 12:00 am

nice malaking tulong din to lalo sa mga complete beginners

alison
PGO Junior
Posts: 49
Joined: Thu Jan 02, 2014 11:57 pm

Re: How to Rank up Fast in ML PH (Mythic in 1 Month)

Post by alison » Tue Aug 06, 2019 12:14 am

may point nga si lodi mas makakafocus ka sa role mo pag tank ka kasi wala may gustong magtank na mga players...

Post Reply